Hanggang ngayon, marami pa rin sa mga tao ang may pagkalito kung ano nga ba ang ginagawa ng isang "Nurse" o " Nars".
Kung magtatanung ka sa mga makakasalubong mo o di kaya sa mga kasamahan mo sa tranaho o sa eskwelahan. Ito ang maririnig mo sa kanila:
1. Alalay ng doktor.
- Nakakalungkot na marinig na ito ang pinakaunang pumapasok sa isipan nila pagdating sa propesyon ng NURSING. Ngunit mali, isipin mo na lamang. Hindi na sana nag-aral ng halos 10 semestre ang mga nars kung alalay lang ng mga doktor. Dahil kung alalay lang sila ng doktor hindi na kailangan pa na kumuha din ng LISENSYA.
- Hindi lamang nakikita ng mga tao at mismong ang mga pasyente sa Ospital ang tunay na pangyayari dahil kalimitan na ang Nars pa ang nagpapa-alala sa mga Doktor.
- Halimbawa: Sa kalagitnaan ng hating gabi, tatawag ang Nars mo sa doktor mo upang ipaalam sa kanya na kailangan niyang pumunta sa Ospital dahil may napansin siyang pagbabago sa Vital signs mo o di kaya ay may pagbabago sa RESULTA NG LABORATORYO NG DUGO O IHI mo. Sa ganoong pagkakataon pupunta ang doktor mo sa ospital dahil alam niyang alam ng Nars mo ang lahat ng nangyayari sa pasyente niya at malaki ang tiwala ng doktor mo sa nars na ito.
2. Taga-bantay ng SWERO
- Pangalawa ito na kalimitang binabanggit ng mga tipikal na tao.
- Oo, hindi kayo nagkamali sa puntong ito. Ngunit, hindi lamang pagbabanatay ng swero ang ginagawa ng isang Nars.
- Ang Nars din ang kalimitang pumupili ng swero na ibibigay sa inyo kung kayo ay nasa emergency room. Dahil kalimitan, wala ang mga Residenteng Doktor at nagrounds sila sa ward. Katulad din ng mga doktor ninyo pinag-aralanan din ng mga Nars ang tamang swero na ibibigay sa mga pasyente base sa edad, kondisyon, at komplikasyon.
- Nars din ang namimili ng HABA at LAKI ng butas ng IV Cannula. Maraming konsiderasyon na tumatakbo sa isipanan ng isnag Nars sa pagpili pa lamang ng IV Cannula. Halimbawa may dumating na pasyente buntis at malapit ng manganak, napag-alaman din ng Nars na siya ay nakaranas ng pagdudugo sa mga nakaraang panganganak. Bilang Nars pipiliin niya ang GAUGE 18 Needle kumpara sa GAUGE 20 o 22 Needle. Mas malaki ang IV Cannula na pinili niya dahil alam niya na maaring magkaroon ng pagkakataon na magdugo uli ang pasyente, kung malaki ang Cannula na pinasok niya sa ugat nito mas mabilis at madali ang pagpasok ng Intravenous Fluids sa sistema ng pasyente. Malaki ang tiyansa na mailigtas ang pasyente sa tiyak na kamatayan ng pagdudugo dahil dito.