Lunes, Nobyembre 19, 2012

Ding-Dong: Tonsillitis

Malimit nating naririnig ang salitang TONSILS.

Halimbawa na lamang, habang nasa clinic ako. Komunsulta sakin ang isang binatang High-School student at sinabing may "Tonsils" daw sya at masama ang pakiramdam nya"

Hindi ako nagulat sa sinabi nya dahil lahat naman ng mga tao ay may "tonsils".

Sinabi ko na lamang, " ah may TONSILLITIS ka?"

Bilang isang Health Care Professional, kasama sa aming responsibilidad ang magbigay ng mga tamang impormasyon tungkol sa kalusugan.


TONSILLITIS

Tonsils ito ay parte ng IMMUNE SYSTEM ng tao. Tonsils ang unang depensa ng katawan natin laban sa impeksyon. Makikita ito sa likod ng lalamunan.

Lumalaki ang tonsils kung nagkakaroon ng bacterial o viral infection ang tao, at manunumbalik ito sa normal na sukat kung mawawala na ang impeksyon.

Sintomas

  • Malaki ang tonsils
  • Mapula
  • Masakit o mahirap lumunok
  • Lagnat
  • Paga at masakit na kulani sa leeg
  • Hindi inuubo
  • Masakit na kasukasuhan
  • Sakit ng ulo
Ano ang maaring gawin?

  • Mahalagang magpahinga kung nakakaramdam ng mga sintomas
  • Uminom ng 2 litro ng tubig sa loob ng isang araw upang mapalabnaw ang mga plema na dulot nito
  • Maaring uminom ng Paracetamol upang mabawasan ang pananakit ng lalamunan kada apat na oras
  • Magmumog ng maligamgam na tubig na hinaluaan ng 2 kurot ng asin
  • Maari ding magmumog ng mga ORAL Antiseptic Solution tulad ng BACTIDOL 2 beses sa isnag araw
  • Iwasan ang Gatas at iba pang pagkain na may gatas, dahil pinalalapot nito ang plema
  • Liquid Diet or Soft, upang mabawasan ang sakit ng lalamunan
  • Iwasan ang pagsasalita kung hindi naman kinakailangan
  • Komunsulta sa DOCTOR


ALERT!

  • Kung may mga sumusunod na sintomas at napasin nyo din na may rashes kayo o ang anak niyo, komunsulata agad sa Doctor. Maaring may Strep Throat ang payente. Ang Strep throat ay nangangailangan ng Attensyong Medical dahil sa maaaring komplikasyon nito tulad ng sakit sa puso at sa bato




Reference:
http://www.google.com.ph/imgres?num=10&hl=en&biw=1024&bih=643&tbm=isch&tbnid=D51PzpzszrsTBM:&imgrefurl=http://drsoniasv.webs.com/apps/photos/photo%3Fphotoid%3D88331173&docid=1LdkVVsKmyNxyM&imgurl=http://memberfiles.freewebs.com/39/84/59908439/photos/Mouth/uvula,%252520Dr%252520Sonia%252520,ENT%252520Specialist%252520Bangalore.jpg&w=375&h=382&ei=0fCqUMTjIOWiigemwoGIDw&zoom=1&iact=hc&vpx=433&vpy=275&dur=1478&hovh=227&hovw=222&tx=123&ty=115&sig=110319916404135537079&page=3&tbnh=143&tbnw=121&start=34&ndsp=19&ved=1t:429,r:41,s:0,i:260

1 komento:

  1. Good day po Doc ganyan po sa anak ko Peru hindi po masakit lumunok at wala pong sakit daw Peru natakot po ako kasi na katapos napo sya sa antibiotics ng 7days ganon padin po ung maga niya at hindi kupa po napatingnan sa ent.. Slamat po sa sasagot

    TumugonBurahin