Nakakabahala ang tumataas na dami ng mga taong may HIGH BLOOD PRESSURE. Hindi bababa sa limang katao ang merun nito kung magtatanung ka sa mga kakilala mo.
Ngunit ano nga ba ang BLOOD PRESSURE?
Ang BLOOD PRESSURE ay ang presyon ng dugo mula sa ARTERY (ito ang ugat ng tao na direktang nagmumula sa puso).
Mapapansin din natin na dalawa ang mga numero na binabanggit ng mga doktor at nars matapos kumuha ng BP sa atin.
Halimbawa: "120 over 80 po ang BP nyo" sabi ng Nars
Ang unang numero na binabangit ay tinatawag na SYSTOLIC BLOOD PRESSURE.
SYSTOLIC BLOOD PRESSURE ay ang lakas ng pagbomba ng puso tuwing titibok ito. Dahil ang ARTERY ay direktang konektado sa puso, sa tuwing bobomba ng dugo ang puso dumadaloy ang dugo papunta sa mga ARTERY ng katawan.
Ang pangalawang numero naman ay tinatwag na DIASTOLIC BLOOD PRESSURE.
DIASTOLIC BLOOD PRESSURE naman ang presyon sa matapos magbomba ng dugo ang puso, ito ang lakas ng presyon tuwing babalik ang dugo sa puso.
Maraming Salamat sa pagbisita sa aking Blog.
Kung kayo ay may mga tanong na tungkol sa KALUSUGAN o KARANIWANG mga SAKIT.
Mag-iwan lamang ng mensahe at sasagutin ko ito sa abot ng aking makakaya. ^_^
Godbless and TAKE CARE.
Thanks for this Bro...
TumugonBurahinBig Help